Will memorize this….. Hindi ko man lang naenjoy ang weekends ko. =(

Will memorize this….. Hindi ko man lang naenjoy ang weekends ko. =(

unkeptvows:

Do you know what hurts the most? It’s when you know you can’t have that one thing that could make you happy.

RF: Nailbiter ako….before.

Nakakapagsisi kasi ang panget ng kuko ko ngayon. Palagi kong sinasabi na sana hindi ko nalang nginangatngat ito nuon. Pero ngayon buti nalang nawala. Yung Ex ko kasi, si Nhieldie. Kapag nakikita niyang sinusubo ko yung daliri ko, nagagalit siya. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko kaya ang ginagawa niya, tinatampal niya o pinipitik niya. Grabe, ang sakit sakit kaya niya pumitik. Tapos habang patagal ng patagal, nawawala sa sakin yung pagngatngat ko sa kuko ko. Tapos ngayon, napapahaba ko na. Ang dami talagang nagbago sakin simula ng dumating siya sa buhay ko.

Kapag nakasmile sila, nakawacky ako. Kapag nakawacky sila, nakasmile ako. Ang fail ko talaga. Hahaha.

Kapag nakasmile sila, nakawacky ako. Kapag nakawacky sila, nakasmile ako. Ang fail ko talaga. Hahaha.

During FD4 Class. =) (at Le Cafe, LPU-Batangas)

During FD4 Class. =) (at Le Cafe, LPU-Batangas)

Ang sarap pala talagang magtrabaho sa barko. Sa kwento pa lang ng Profs namin. Nakakaexcite. Biruin mo naman bakasyon sila ng 2 years pero nasweldo parin sila kung magkano ang sweldo nila kapag nasa barko sila. Halos lahat ng Profs ko nagtatrabaho sa barko tapos kapag bakasyon sila nagtuturo sila. Salitan lang sila sa pagtuturo at pagbabarko. Pero sabi nila, mas masarap daw magbarko kesa magturo. Buti nalang talaga nag Cruise Line ako. Nag-eenjoy na nga ako sa pag-aaral, hindi pa ako nahihirapan. Di naman kasi uso ang thesis samin. More on practicals lang.

Nakakatuwa talaga yung Prof namin sa FD4. Ang galing niya magturo. Tapos kapag may quiz plus 5 kapag lahat kami naka uniform. Tapos after discussion quiz kagad. Sa kagalingan niya magturo halos lahat kami perfect na. Grabe niya kasing ipaulit samin. Talagang gusto niya tatatak yun sa utak namin. Ang lungkot lang kasi aalis na ata siya by next year, babalik na ulit sa barko. Tapos after 2 years na ulit siya magtuturo kapag bakasyon na ulit siya.

Naiinsecure talaga ako. Pero I can still manage it. Feeling ko kasi, ako lang yung hindi maganda sa barkada ko. Although medyo chubby sila at payat ako. Nakakainsecure talaga. Palagi kong kinukumpara ang sarili ko sa kanila. Kapag nag-uusap sila kung gaano kaganda yung tao sa paligid namin tumatahimik ako. Feeling ko kasi kalevel ko lang yung mga nilalait nila pero dahil kaibigan ko sila binibuild up lang nila ako. =(

Lahat naman siguro tayo, dumarating sa point na nalulungkot. Nalulungkot sa hindi malamang dahilan. Ang hirap no? Hindi mo alam kung bakit, hindi mo din alam kung paano. Yun bang pinipilit mong maging masaya pero hindi mo parin magawa. Para kasing may kulang, kulang na hindi mo alam kung paano mo makakamit at makukuha na walang nasasaktan o nahihirapan. Paano na lang kung yung taong ikasasaya mong makasama ay sasaya sayo? Ang hirap diba? Minsan, gusto mong magpakaselfish nalang para maging masaya pero hindi mo naman magawa.

  • Jennell: Lalei, kumain ka ga?! Bakit ganan tiyan mo? Flat parin? Samantalang ikaw yung pinakamaraming kumain satin. Ang unfair. Parang di ka nag two rice ah!
  • Ako: *Inakbayan siya* Ganun talaga. Hahahaha.
  • Kath: Yan bang si Lei! Kain ng kain di nataba. Samantalang ako, hindi na nga nakain nataba padin.
  • Andrea: Oo nga! Di kana barkada ikaw lang payat dito.
  • Ako: Ano ba kayo?! Hirapan nga kayo magpapayat samantalang ako hirapan magpataba. Hahaha.
  • Via: Pano ba naman kasi Lei, hindi ka mahilig sa mga matatamis tapos ang gusto mo pang chocolate ay yung Dark. Tataba ka nga niyan!
  • Jaiden: Wag ka Via! Palagi kaya yang nakatwo rice. Umaga, tanghali at gabi.
  • Ako: Katawan ko na kasi 'to eh. Bata pa lang ako payat na ako.
  • Jennell: Eh bakit flat parin yung tiyan mo?
  • Jaiden: Pagkatapos kasi niya kumain hindi kagad yan naupo. Mga 1 hour pa bago yan umupo. Hahaha. Ginagaya ko nga.
  • Nakakatuwa talaga yung mga barkada ko. Naiinggit sila kasi kahit kain ako ng kain hindi ako nataba. Akala naman nila maganda to. Hindi rin naman. Sobrang payat ko na kasi. -____-
Kunwari marunong. Cruise Line tapos ang PE sa halip na swimming e bowling. Hahaha.

Kunwari marunong. Cruise Line tapos ang PE sa halip na swimming e bowling. Hahaha.

Nakaburol sa school yung isa sa mga stock holder ng school. Ang creepy. Required pa kami magsuot ng Dusit Thani/Cruise Line Uniform. Ang banas banas pa naman nun isuot kasi ilang patong-patong. Pero may isang goodnews. Allowed na ang hair color sa school! Haha.